Ang Retorika Anal Research Paper

977 Words4 Pages

1. Ang retorika ay isang importanteng elemento upang maipahayag ng mainam at maayos ang mga nais nating ipaalam sa mundo. Ito rin ay isang pag-aaral sa masining na paggamit natin ng lenggwahe at mga salita upang ang mga nais nating sabihin at an gating mga nadarama ay maintindihan at maramdaman din ng mga taga-pakinig. Sinasabi rin na ito ay ang sining ng pakikipag-usap at pagsulat. Ang salitang retorika ay nagmula sa isang salitang Griyego na “rhetor” na ang ibig sabihin ay isang “guro” at “mananalumpati”. Ayon kay Sebastian, ang retorika raw ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahay na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pasusulat sa pagsasalita. Ayon naman kay Kenneth Buke, ito raw ay ang paggamit ng mga simbolo na may …show more content…

Ang retorika ay mayroon ding sining o iba’t ibang estilo upang maipahayag ng malinaw ang ating mga kaisipan at nadarama: a. Kooperatibong Sining – Ito ang pagbubuklod ng isang tagapagsalita at tapapakinig. Kung wala ang isa, walang nangyayari. b. Pantaong Sining – Pag-aari ito ng tao sapagkat ang wika ay ang midyum ng retorika. c. Temporal na Sining – Ang estilong ito ay nakabatay sa panahon. Ang ginagamit na lenggwahe ay dapat ngayon hindi kahapon o bukas. d. Limitadong Sining – May hangganan ang retorika sapagkat maaaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito. e. May Kabiguang Sining – Marami sa atin ang hindi ganoon kagaling sa paghawak ng wika. Ito na rin ay dahil sa mga tuntunin na pabago-bago. f. Nagsusupling na Sining – Ang bawat ideya ay nadadagdagan at dumadami. Nasusundan ito ng iba pang ideya na may koneksyon sa isa’t isa. 4. Ang mga kanon ng retorika ay: a. Imbensyon – Malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na maaring gamitin para sa isang talumpati. Ito ay maaring induktibo o debuktibo. • Induktibo – Pangkalahatang konklusyon ang nabubuo mula sa mga linya ng …show more content…

b. Pagsasaayos – Ito ang proseso kung saan inoorganisa ang talumpati pati na ang pagsasaayos ng mga sumusunod: • Introduksyon o panimula • Narasyon o paglalahad ng mga importanteng punto o ideya tungkol sa isang isyu • Pagbibigay ng mga matitibay na patunay sa kasong tinatalakay • Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga rason at katuwiran • Kongklusyon na sumasagot at tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang talumpati c. Istilo – Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng

Open Document