Heroismo Ni Rizal Analysis

1396 Words6 Pages

Heroismo ni Rizal o Kabayanihan ni Bonifacio? Kahit saan pa man tayo magpunta, mapa- radyo, telebisyon, pelikula o babasahin, madalas nating naririnig ang salitang "bayani." "Bayani" ang itinatawag sa mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami, mga bagay na napakahirap gawin, at mga bagay na nagdadala ng napaka-laking sakripisyo sa kanilang mga personal na buhay. Sa ating panahon ngayon, karaniwan na nating tinatawag na bayani ang mga OFW ng ating bansa sapagkat sila ay nakikipagsapalaran mangibang-bayan para sa kanilang pamilya at para na rin sa ating bansa. Para sa ating mga Pilipino, maituturing nating bayani ang isang tao kung siya ay nagbuwis ng kanyang buhay para sa ating bayan at para sa ikabubuti …show more content…

Gaya rin naman ng marami sa ating mga bayani na nanguna sa kilusan sa sikularisasiyon ng simbahang katoliko, sa kilusan sa pagpapalaganap ng tunay na kalagayan at karaingan ng ating bayan at sa Himagsikang Pilipino; tulad na lamang nina Padre Pelaez, Padre Burgos, Heneral Aguinaldo, at iba pa. Siya ay ang "bayani" sapagkat si Supremo ay hindi lamang lumaban para sa tao, bagkus lumaban kasa ang mga tao. Kasama niya ang tao sa Katipunan na kanyang pinalakas. Marunong siya makinig, at gumalang sa taong-bayan sa kapasyahang ilunsad ang Himagsikan. Matapos mabuking ng mga Kastila ang Katipunan na kanilang itinayo, hindi lamang ang Supremo ang nagpasya na ituloy na ang rebolusyon, kundi pati ang mga kapwa niya Katipunero sa pagpupulong ng Kataastaasang Kapulungan. Siya ay maituturing na makabayan na si Rizal ang naging inspirasyon. Higit pa sa pagiging makabayan ni Rizal, si Supremo ay nagbigay buhay at dugo sa ideya ng kalayaan sa pamamagitan ng pananawagan sa mga tao na kumilos at magtulungan laban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas sa loob ng tatlong daang taon. Sa kanyang walang imbot na pagpapalakas ng Katipunan. Siya rin ang nagpasimula ng paglulunsad ng Himagsikan, kasama ang rebolusyonaryong pamahalaan at sandatahang lakas ng Mga Anak ng Bayan dito ipinakita ni Bonifacio ang kanyang pagiging tunay na bayani. …show more content…

Haring Bayang Katagalugan ang tawag niya sa kanyang pamahalaan. Taliwas sa paniniwala ng iba na ang Haring Bayan ay tumutukoy sa pagkahari ni Bonifacio, malinaw ang kanyang pagkapangulo sa Haring Bayan na nagsasabi na ang Hari ay walang iba kundi ang Bayan. Magkaibang- magkaiba man ang dalawang itinuturing na bayani sa ating bansa, at kung minsan ay nasasarapan tayong pagkumparahin, atin ding alalalahanin na kumakatawan ang kanilang kwento ng iba’t ibang anyo ng pagmamahal sa bayan, anuman ang ating katayuan sa buhay; at sa iisang mensahe na ang pagkabansa ay nabubuo sa ating desisyon na kumilos upang makialam at bigyan ng ginhawa ang bayan. Mas magandang ating yakapin ang heroismo ni Rizal at ang kabayanihan ni Bonifacio sapagkat parehong si Rizal at si Bonifacio ay hindi man maituturing na relihiyoso, nagpakita pa rin sila sa atin ng malalim na anyo ng espirituwalidad na mabubuod sa mga kataga ng Supremo. Ito ay ang mahalin ang Diyos ng taos sa puso at alalahanin na ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay ang pag-ibig sa bayan at sa kapwa natin

Open Document