Kapistahan Research Paper

2550 Words11 Pages

Karanasan at Konsepto ng Panata ng Kapistahan ng ilang Pamilyang Pilipino sa Lucban, Quezon Krista Angelica R. Reyes Ms. Fatima Bullecer Panimula Isang ugaling naging pagkakakilanlan na ng mga Pilipino ay ang pagiging likas na masayahin. Karugtong na nito ay ang pagkakahilig sa mga engrandeng selebrasyon at isa sa mga selebrasyong tunay na kinagigiliwan ng halos lahat ay ang pista o ang kapistahan sa bawat bayan sa bawat lungsod sa Pilipinas. Ating mapapansin na ang mga kapistahang ito ay ipinagdiriwang hindi lamang ng taongbayan na nakatira sa partikular na lugar kundi pati ang mga taong dito nagmula, lumaki o maging ang mga taong gusto lamang makidiwang. Ang bawat lungsod ay may kanya-kanyang paraan upang magdiwang at ang bawat pagdiriwang …show more content…

Ayon kay (Bamero, 2013) ang bawat pista ay may kanya-kanyang pinagmulan. Ang ang pistang ito ay halaw sa lumang tradisyon ng pag-aalay ng mga unang inaning gulay, prutas, at iba pang pananim sa mga anito o diyos ng kalikasan bilang pasasalamat sa kanilang naipamahaging biyaya. Ang pista ay bahagi na ng buhay-Pilipino. Masayahin tayo at mahilig tayong magtipun-tipon upang magsaya. Inaanyayahan natin ang mga kaibigan at malalayong kamag-anak upang makipagsaya sa atin, makisalo sa ating inihandang pagkain at manonood ng mga …show more content…

Ang limang kalahok ay nagbigay ng kani-kanilang mga pananaw at mga malaman at makabuluhang kasagutan sa mga katanungang naisaad sa impormal na interbyu sa Lucban, Quezon. Ang mga sumusunod na katanungan ang ninais at sinikap ng mananaliksik na masagot: (1) Ano ang pananaw at konsepto ng pamilyang Pilipino sa panata ng kapistahan? (2) Anu-ano ang mga paraan kung paano naipapakita ang panata sa pista at ano ang kahalagahan nito sa kanila? (3) Anu-ano ang mga epekto ng panata sa buhay ng tao sa Lucban, Quezon? Upang mapatunayang nasagot na ang mga katanungan, ilalagay ng mananaliksik ang ilan sa mga pahayag ng mga kalahok. Kinuha ng mananaliksik sa napakahabang rekording ang mga karampatang kasagutan sa bawat katanungan matapos ang pagsusuri kung saan ito aakma. Ano ang pananaw at konsepto ng pamilyang Pilipino sa panata ng kapistahan? Ayon sa mga kalahok, ang kanilang konsepto ng panata ay ang pagdiriwang para sa magsasaka, pati ang pasasalamat kay San Isidro Labrador (patron ng mga magsasaka) para sa isang magandang ani ngayong taon at sa mga susunod na taon. ///// transcript ng mga kalahok; lahat ng kalahok ay may kanya-kanyang perspektibo ukol sa Pahiyas, ngunit iisa ang binabalikan ng kanilang mga

More about Kapistahan Research Paper

Open Document